
"ako ang saranggolang lilipad pa rin kahit signal #3"
Sa gitna ng bagyo nakilala kita, sa gitna ng gulo sa isip ko naroon ka...walang tatalo sayo pagdating sa "timing". Ika nga nila, "being in the right moment at the right time". Nandoon ka rin para sa iba. Walang sawang nakikinig sa kanilang mga problema. Walang sawang nagpapasaya.
Akala ko 'di nako lilingon pang muli. Pero mali ako, pinilit kong ikinilos ang ulo upang magkaroon ng pagkakataong masulyapan ka. Ma-eksamin ng aking mga mata kung sino ka talaga. Sino ka nga ba talaga? Bakit bigla ka na lang pumasok sa buhay ko ng basta-basta?
Eto na naman akong sumusuntok sa buwan, walang kadala-dala sa sakit na pwedeng idulot nito sa aking kinabukasan. Alam ko naman ang kirot na idudulot nito sa mga darating na panahon...at nag-uumpisa na nga.
Sino ka nga ba talaga? At bakit dumating ka?
1 comment:
hahaha. laugh trip sa mga pinost mo..
anong tinira mo?
Post a Comment